MARCH 30, 2026 | SEMANA SANTA
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh! Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan. Magandang araw sa inyong lahat. Ang Semana Santa ay isang sagradong ...

Inday Sara Duterte
11.4K views • Mar 30, 2026

About this video
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Ang Semana Santa ay isang sagradong bahagi ng ating pagka-Pilipino.
Ito ay panahon ng pagninilay ng dakilang sakripisyo ng Panginoon—isang pag-aalay ng sarili na nagpapaalala sa atin na ang tunay na kahulugan ng buhay ay matatagpuan sa paglilingkod sa kapwa.
Ang katahimikan ng mga araw na ito ay nagbibigay-daan sa tapat na pagsusuri ng ating mga mithiin—para sa ating sarili, para sa ating pamilya, at para sa ating bansa.
Kinikilala natin ang sakripisyo ng ating mga kababayan, lalo na ang ating mga OFWs sa Middle East. Sa gitna ng kaguluhan, hinihiling natin ang kanilang kaligtasan. Sila ay mga buhay na halimbawa ng sakripisyo, at hinihiling natin ang kapayapaan sa kanilang kinalalagyan.
Sa panahong ito ng Kwaresma, isapuso natin ang kapakanan ng ating bansa. Idalangin natin ang isang lipunang pinatatakbo ng katotohanan, katarungan, at tapat na malasakit.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang aral ng sakripisyo ni Hesus upang tayo ay magkaisa para sa isang matatag at maunlad na Pilipinas.
Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

Video Information
Views
11.4K
Likes
1.3K
Duration
1:55
Published
Mar 30, 2026
User Reviews
4.6
(2) Related Trending Topics
LIVE TRENDSRelated trending topics. Click any trend to explore more videos.
No specific trending topics match this video yet.
Explore All Trends