It’s Showtime November 5, 2025 | Full Episode
Celebrating the Christmas season with just seven weeks until Noche Buena, while the studio exudes a Valentine’s Day vibe with moments of kilig and excitement.
About this video
Sorry kung natapakan ang pagiging love team n’yo, KimPau! May biruang selosan na nangyari kina Kimmy at ‘Mowm’ Klarisse De Guzman, who sang the theme song of KimPau’s upcoming series. Selosa naman pala ang Chinita Princess? Aakbay lang naman si Paulo sa nag-apply na double na si Klarisse. OA talaga sa kilig at kulitan ang FUNanghalian with the “It’s Showtime” fam!
Ngayong Merry-kules, isang maswerteng player ang na-bless sa “Laro Laro Pick.” Magaling silang bumutingting ng mga relo, sapatos at iba pa. Sa game arena, mga masisipag at madidiskarteng repair men ang bumida.
Syempre, kasali rin ang madlang people sa studio. At special ang representatives nila sa laro, dahil bukod kina Ion Perez at Darren Espanto, kakampi rin nila ang “The Alibi” stars na sina Rafael Rosell at Sofia Andres. Friends sina Kim Chiu at Sofia, walang duda, pero sa series nila, asahan daw ang puksaang malala! Exciting, ‘di ba?
Exciting at inspiring naman ang kwento ng mga madlang players, katulad ni tatay War, na ipinanganak ilang taon lamang matapos ang giyera. Kaya alam n’yo na kung bakit ‘War’ ang pangalan niya. Kuwento ni tatay, porsyento lang ang kinikita niya kada sapatos na mare-repair dahil nangangamuhan siya sa bangketa. Maliit man ang kinikita, mas mainam na raw ito kumapara noong pandemya na wala siyang trabaho kaya sa bangketa sila tumira. Sinikap niyanng makabawi sa asawa hanggang sa makahanap ng bahay na mauupahan.
Mapait man ang naging karanasan, matamis naman ang pagmamahalan nina War at misis na si Maria. Na-curious tuloy si Kim sa secret to a lasting relationship. Sa sobrang inspired ni Kimmy, nag-promise siya na sasagutin ang date ng mag-asawa.
Mag-asawang swerte ang sumalubong sa mga players na nakapili ng tamang kahon sa “Illuminate or Eliminate” round. Sa “It’s Giving” naman, ang kategorya ay mga dominasyon ng perang papel at barya sa Pilipinas. Hanggang sa sing-along portion na “You Gotta Lyric,” si Sofia, hindi pa rin na-eliminate. Pero sa dulo, ang dinapuan ng swerte sa “PILImination” kung saan dapat mapili ang dilaw na lobo, si Tatay War ang itinanghal na panalo.
Ang loving husband and stepfather na si War ang umabante sa jackpot round. Syempre, kailangan ng pampaswerte kaya full support si ‘esmi.’
Sa hirap ng pinagdaanan ng kanilang pamilya, lalo na noong kasagsagan ng pandemya kung saan tatlong taon silang tumira si bangketa, hindi na siya nagdalawang-isip pa na tanggapin ang P50,000 offer sa Li-Pot. Mas pinili na niya ‘yong sigurado. At malaking tulong na rin naman ang halagang ito.
Swerte pa rin si tatay dahil nang subukan niyang sagutin ang P200,000 POT question, "SA MRT Line 3, anong istasyon ang nasa pagitan ng Shaw Boulevard at Santolan Anapolis stations?" na-mental block si tatay. Buti na lang safe na ang P50,000 sa kanyang mga kamay!
Tatlong araw na lang, “Tawag Ng Tanghalan Year 9: Ang Huling Tapatan” na! Mas tumitindi ang kaba, pero hindi magpapakabog ang natitirang apat na finalists. Lalaban sila nang bung puso para makakuha ng pwesto sa Huling Tapatan sa Sabado.
Sa episode na ‘to, sina Almaerra Recentes at Jay Mark Cadiwetan ang nag-face-off sa entablado. “I’m Your Baby Tonight,” piyesa ni Almearra. Pinuri ni Punong Hurado Louie Ocampo ang authority at conviction sa pagkanta ni Almaerra, adding that she was obviously having fun with that performance.
Hinarana naman ni Jay Mark ang Madlang People at mga hurados, singing “Jealous.” Ang honest comment ni hurado Erik Santos, minsan talaga nagkakatalo ang performance sa song choice at aminadong hinanap niya ‘yung pang-grand finals na pasabog. Dagdag ni Maestro Louie, may napuna siyang “bothering notes” na marahil daw ay dala ng emosyon.
Sa score na 95%, nasungkit ni Almaerra ang isang pwesto sa Huling Tapatan. Samantala, hinangaan naman ang tapang at determinasyon ni Jay Mark, na nakakuha ng gradong 90%.
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
Tags and Topics
This video is tagged with the following topics. Click any tag to explore more related content and discover similar videos:
Tags help categorize content and make it easier to find related videos. Browse our collection to discover more content in these categories.
3 user reviews
Write a Review
User Reviews
0 reviewsBe the first to comment...
Video Information
Total views since publication
User likes and reactions
Video length
Release date
Video definition
About the Channel
Related Trending Topics
LIVE TRENDSThis video may be related to current global trending topics. Click any trend to explore more videos about what's hot right now!
This video is currently trending in Malaysia under the topic 'gaji november 2025'.
Share This Video
SOCIAL SHAREShare this video with your friends and followers across all major social platforms including X (Twitter), Facebook, Youtube, Pinterest, VKontakte, and Odnoklassniki. Help spread the word about great content!