It’s Showtime November 1, 2025 | Full Episode
Ha-ha-happy Halloween! Dito sa “It’s Showtime,” may ha-ha-happiness din! Walang tricks pero umaapaw ang treats. Simulan natin ang show sa nakakahimlay ng pus...
🔥 Related Trending Topics
LIVE TRENDSThis video may be related to current global trending topics. Click any trend to explore more videos about what's hot right now!
THIS VIDEO IS TRENDING!
This video is currently trending in India under the topic '8 november 2025'.
About this video
Ha-ha-happy Halloween! Dito sa “It’s Showtime,” may ha-ha-happiness din! Walang tricks pero umaapaw ang treats. Simulan natin ang show sa nakakahimlay ng puso na ganda ni Jackie Gonzaga, who’s celebrating her birthday. Makihataw kay Ate Girl, eyy!
Pagkatapos ng mesmerizing performance sa FUNanghalian, si Jackie, naging teary-eyed naman nang makatanggap ng live birthday message from her mommy, na inilarawan siya bilang anak na napakabuti. Thankful din si mommy sa Showtime family, lalo na kay Vice Ganda, sa pag-aalaga ng mga ito sa anak niya.
Nasanay na tayo sa mga hugot ni Jackie. Ngayong birthday niya, ano naman ang hugot ng puso niya? ‘Yung birthday wish ba.
It’s officially November, Madlang People at Kapamilya! Ang wish naman nating lahat, altogether now, “November, please be good to us!”
Tuwing panahon ng undas, sila ang nakikita natin nang madalas. Mabenta ang mga bulaklak at kandila nilang tinda sa mga bumibisita sa namayapang kapamilya. Ngayong November 1, sa “Laro Laro Pick” game arena naman sila bibida.
Kinilala nina Jhong Hilario, Ogie Alcasid at Jackie Gonzaga si Emman, na tumutulong sa ina na magtinda ng mga bulaklak para sa namayapa. Working student siya at dahil sa pagtitinda ng bulaklak ay malapit nang makapagtapos ng kolehiyo. Kung sina Jackie at Ogie ay bibili sa kanya, anong bulaklak naman ang kanyang ibebenta?
Ang pangalan ni Novy ay hango sa “November,” ang birth month niya. Sign na ba ito na ang swerte ay sa kanya tatama? Sana mamulaklak din ang mga pangarap ni Novy at dapuan ng swerte para maipagamot ang sarili sa goiter na matagal nang iniinda. Nakilala rin natin si Randy, na nagtitinda naman ng kandila.
Matapos ang apat na rounds ng masasayang laro, si Aphol ang naka-survive hanggang dulo. P100K POT money ang pwedeng niyang maiuwi!
Sa jackpot round, naikuwento ni Aphol na meron siyang ‘naramdaman,’ hindi naman kababalaghan pero sign ng swerte. Sabi ni Aphol, humingi siya ng sign na kung tatawag ang Showtime staff for the second time, dahil hindi niya nasagot ang unang tawag, pahiwatig ito na may malaking swerte na naghihintay sa kanya sa laro. Dati silang nakatira sa sementeryo pero ngayon kahit papaano ay nakaahon at nakalipat na sa mas maayos na tirahan.
Umabot sa P30,000 ang offer sa Li-Pot, na tinanggap naman ni Aphol. Mas pinili na niya ‘yung sigurado at hindi na sumugal pa sa P100K POT question. Good decision! Dahil nang basahin ni Jhong Hilario ang tanong na, “Ilan ang puso ng octopus?” ang sagot niya’y “isa” Ang tamang sagot ay “tatlo.”
Nananatili sa P100K ang POT money.
Sa huling araw ng semi-finals ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9, nag-face off na ang natitirang tatlong mang-aawit ng Pangkat Luntian, mentored by Bituin Escalante.
Base sa pagkakasunod-sunod na pinili ni mentor Bituin, unang sumalang sa entablado ng Tawag Ng Tanghalan si Almaerra Recentes, singing “Runnin’ Out of Fools” by Aretha Franklin. Pinuri ni hurado Billy Crawford ang vibrato at soulfulness ng boses ni Almaerra, pero suggestion niya, mas namnamin pa ang kanta.
“Tomorrow” mula sa pelikulang “Annie” naman ang ibinirit nang mataas at malinis ni Lucky Nicole Galindez. Pagkatapos ng kantahan at sa gitna ng kuwentuhan, tinanong ni Jhong Hilario si Lucky tungkol sa reaksyon nito sa bashing na natanggap dahil sa kanyang nakaraang performance. Para kay hurado Dingdong Avanzado, ipinamalas ni Lucky ang isa sa pinaka-interesting rendition ng kanta.
Giving her best, “Narito” ang inawit ni FJ Cortez. Para kay Punong Hurado Jed Madela, well-equipped si FJ, ni hindi nga nahalatang masama ang pakiramdam nito habang kumakanta.
Si Lucky ang hinirang na Top 1 sa kanilang tatlo, with a score of 97.7%. Ikalawa naman si Almaerra na nakakuha ng gradong 96.3%. Nasa ikatlong puwesto at hindi na magpapatuloy pa sa laban si FJ, na nakakuha ng 95% mula sa mga hurado.
Matapos ang maraming rounds ng tapatan, walong mang-aawit ang naka-survive. Sila ang maglalaban-laban sa pagsisimula ng “Tawag Ng Tanghalan: The Week-Long Grand Fianls.”
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
Video Information
Views
62.3K
Total views since publication
Likes
410
User likes and reactions
Duration
01:17:45
Video length
Published
Nov 1, 2025
Release date
Quality
hd
Video definition
About the Channel
Tags and Topics
This video is tagged with the following topics. Click any tag to explore more related content and discover similar videos:
#ABS-CBN Entertainment #Entertainment #ItsShowtime #Person:ViceGanda #person:VhongNavarro #person:JhongHilario #person:AnneCurtis #person:Karylle #person:RyanBang #person:TeddyCorpuz #person:JugsJugueta #person:AmyPerez #person:KimChiu #person:JackieGonzaga #person:IonPerez #person:OgieAlcasid #vertical:Entertainment #Tawag Ng Tanghalan #20251101online #Showtime November 1 2025 ##ItsShowtime_FullEpisode ##ItsShowtime #Its Showtime #Showtime ##ShowtimeSweet16 #Showtime Full Episode #Full Episode #YT0psJL ##ST
Tags help categorize content and make it easier to find related videos. Browse our collection to discover more content in these categories.